Tsina sa Amerika: Iwasan ang konprontasyon at pasulungin ang win-win na kooperasyon

2021-03-19 14:06:36  CMG
Share with:

Tsina, ginawa ang mahigpit na tugon sa talumpati ng Amerika sa unang sesyon ng estratehikong diyalogo_fororder_1e2482247fa047d29609b29bd7c4bc1f-750

 

Sa kanyang pambungad na talumpati sa unang sesyon ng estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, na idinaos kahapon, Huwebes, ika-18 ng Marso 2021, local time, sa Anchorage, Alaska, sinabi ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na dapat iwasan ng Tsina at Amerika ang konprontasyon, at pasulungin ang win-win na kooperasyon.

 

Tinukoy ni Yang, na sa pag-uusap sa telepono na ginawa noong Pebrero ng taong ito, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, sinang-ayunan ng dalawang lider, na palakasin ng Tsina at Amerika ang pag-uugnayan, kontrulin ang mga pagkakaiba, at palawakin ang kooperasyon.

 

Aniya, batay sa mahalagang komong palagay na ito, lumahok ang Tsina sa kasalukuyang diyalogo, at umaasang magkakaroon ito ng pragmatikong bunga.

 

Binigyang-diin ni Yang, na itinuturing ng Tsina ang kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya at kalayaan, bilang komong paninindigan ng buong sangkatauhan.

 

Sabi niya, pinaninindigan ng Tsina ang pangangalaga sa pandaigdigang sistemang ang nukleo ay United Nations at ang batayan ay mga pandaigdig na batas, sa halip na batay sa mga tuntuning itinakda ng iilang bansa.

 

Hindi kinikilala ng karamihan sa mga bansa ang mga values o prinsipyong pinanghahawakan ng Amerika bilang pandaigdigang prinsipyo at ang mga sinasabi ng Amerika bilang pandaigdigang opinyon, dagdag ni Yang.

 

Pinuna rin ni Yang ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Amerika, at sinabi niyang dapat harapin ng Amerika ang sariling mga suliranin, sa halip na pakialaman ang mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Hinimok niya ang Amerika na itakwil ang zero-sum game, itigil ang maling aksyon ng long-arm jurisdiction, at huwag gamitin ang pangangatwiran ng pambansang seguridad para hadlangan ang malusog na kalakalan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method