Sinabi kahapon, Huwebes, ika-18 ng Marso 2021, local time, sa Anchorage, Alaska, ng opisyal ng delegasyong Tsinong kalahok sa estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, na buong tapat ang panig Tsino sa diyalogo, at ginawa ang paghahanda batay sa prosidyur at iskedyul na paunang narating ng kapwa panig.
Pero aniya, ang pambungad na talumpati ng panig Amerikano sa unang sesyon ng diyalogo ay labis na lumampas sa nakatakdang oras, at ginawa nito ang mga di-makatwirang akusasyon sa Tsina.
Binigyang-diin ng nabanggit na opisyal, na ito ay hindi angkop sa diplomatikong protokol, at hindi ring mabuti sa atmospera ng diyalogo. Kaya, ginawa ng panig Tsino ang mahigpit na tugon sa talumpati ng panig Amerikano, saad niya.
Editor: Liu Kai
Ika-2 sesyon ng High-level Strategic Dialogue ng Tsina at Amerika, pormal na sinimulan
Unang sesyon ng High-level Strategic Dialogue ng Tsina at Amerika, natapos
Delegasyong Tsino, dumating ng Alaska para sa diyalogo kasama ng Amerika
Tsina sa Amerika: agarang itigil ang pagpinsala sa karapatang pantao