Kaugnay ng isang serye ng mga negatibong pananalita at kilos na may kinalaman sa Tsina bago idaos ang Estratehikong Diyalogo sa Mataas na Antas ng Tsina at Amerika sa Alaska, sinabi nitong Huwebes, Marso 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang kabuluhan ang mga kilos ng panig Amerikano na nagtatangkang magpataw ng presyur sa Tsina, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng "megaphone diplomacy" at pagbuo ng alyansa kontra Tsina.
Saad ni Zhao, ang nasabing estratehikong diyalogo ay iminungkahi ng panig Amerikano. Ang pagsang-ayon ng Tsina sa diyalogong ito ay nagpapakita ng katapatan at konstruktibong papel ng panig Tsino sa muling pagsisimula ng diyalogo at pagpapalitan ng kapuwa panig, at pagpapabuti’t pagpapaunlad ng bilateral na relasyon.
Hindi magkokompromiso ang Tsina sa mga isyung may kinalaman sa soberanya, seguridad at nukleong interes, at buong tatag ang determinasyon nito sa pangangalaga sa sariling nukleong kapakanan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Delegasyong Tsino, dumating ng Alaska para sa diyalogo kasama ng Amerika
Tsina sa Amerika: agarang itigil ang pagpinsala sa karapatang pantao
CDC: binura ang ilang mga Trump-era guidelines kaugnay ng pagkontrol sa COVID-19 pandemic
Tsina, umaasang maayos na hahawakan ng panig Amerikano ang alitan sa kabuhayan at kalakalan