Bagong sangsyon ng Amerika sa Tsina, hindi mabuting paraan ng pagtanggap sa mga panauhin

2021-03-19 16:31:05  CMG
Share with:

Bagong sangsyon ng Amerika sa Tsina, hindi mabuting paraan ng pagtanggap sa mga panauhin_fororder_b6f41764247643b19ce64d7e2cc52779

 

Sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpataw ng Amerika ng mga bagong sangsyon laban sa Tsina, sa pagsisimula ng estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng dalawang bansa, ay hindi mabuting paraan para tanggapin ang mga panauhin.

 

Winika ito ni Wang sa unang sesyon ng naturang diyalogo na idinaos kahapon, Huwebes, ika-18 ng Marso 2021, local time, sa Anchorage, Alaska.

 

Nauna rito, ipinatalastas ng Amerika ang bagong sangsyon laban sa ilang opisyal na Tsino kaugnay ng mga suliranin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong.

 

Ipinahayag ni Wang ang matinding pagkabahala at mariing pagtutol dito, at sinabi niyang ito ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.

 

Wala rin itong epekto sa lehitimong posisyon ng Tsina, o matatag na kalooban ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa soberanya at dignidad ng sariling bansa, dagdag ni Wang.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method