Inulit ng Tsina ang prinsipyo ng di-pakikialam ng suliraning panloob, at tinututulan ang pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa at pagsira sa soberanya ng ibang bansa sa katwiran ng karapatang pantao.
Ipinahayag ito ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa mga Tanggapan ng United Nations sa Geneva, sa kanyang talumpati na binigkas Marso 18, sa Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) .
Sa ngalan ng mga umuunlad na bansa, binigkas ni Chen ang naturang talumpati, bilang tugon sa magkasanib na talumpati ng ilang bansang kanluran hinggil sa pagpuna sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Ipinahayag din ng Tsina na ang prinsipyo ng di-pakikialam sa suliraning panloob ay hindi lamang mahalagang prinsipyo ng Karte ng UN, kundi rin pundamental na garantiya sa soberanya at pagsasarili ng iba’t ibang bansa, at pangangalaga sa katarungan ng daigdig.
Nanawagan ang Tsina na dapat sundin ng ilang bansa ang Karte ng UN, agarang itigil ang panghihimasok sa kalagyan ng karapatang pantao, simulan ang pakikipag-kooperasyon sa ibang bansa ng daigdig, para magbigay ng ambag sa usapin ng karapatang pantao ng buong mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac