Tsina sa Amerika: Dapat lutasin ang rasismo at diskriminasyon sa sarili nitong bansa

2021-03-19 15:01:46  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 18, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat isagawa ng Amerika ang aktuwal na hakbangin, para lutasin ang rasismo at diskriminasyon na nagaganap sa sarili nitong bansa, at pangalagaan at igarantiya ang kaligtasan at lehitimong karapatan ng mga mamamayang Tsino na nasa Amerika.

Tsina sa Amerika: Dapat lutasin ang rasismo at diskriminasyon sa sarili nitong bansa_fororder_zhaolijian

Ayon sa ulat nitong Marso 16, ng grupong Stop AAPI (Asian Americans and Pacific Islanders) Hate, mula Marso 19, 2020 hanggang Pebrero 28, 2021, umabot sa 3,795 ang bilang ng naiulat na kaso ng hate-related crimes sa mga Asyano sa Amerika, na kinabibilangan ng pisikal na pananakit at berbal atake sa kanila.

 

Sa mga biktima, mga Tsino ang pinakamarami.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method