Natapos nitong Biyernes, Marso 19, 2021 sa Anchorage, Alaska, Amerika ang 2 araw na Mataas na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Amerika kung saan nagkaroon ng matapat, malalim, mahaba, at konstruktibong pagsasanggunian ang dalawang panig tungkol sa kani-kanilang patakarang panloob at panlabas, relasyong Sino-Amerikano, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Kapwa ipinalalagay ng dalawang panig na napapanahon at mabuti ang diyalogong ito. Samantala, umiiral pa rin ang mahalahang pagkakaiba sa ilang isyu.
Sa panahon ng diyalogo, direkta at matapat na ipinaabot ng panig Tsino ang posisyon at pagkabahala nito.
Malinaw nitong ipinalabas ang 3 signal:
Una, ang pagpunta ng delegasong Tsino sa Anchorage ay upang malutas ang problema sa halip na makipag-away sa panig Amerikano. Sa harap ng walang batayang pagbatikos at kayabangan ng panig Amerikano, ang mga ito ay pinabulaanan ng panig Tsino sa pamamagitan ng batayan at katotohanan.
Binigyan din ng red line ng panig Tsino ang tungkol sa di-mapapahintulutang pagpinsala sa katayuan ng pangangasiwa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kaligtasang pansistema, at buong tinding pagtutol sa panghihimasok ng dayuhang puwersa sa mga suliraning panloob ng Tsina na gaya ng isyu ng Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, at Tibet. Ipinakikita ng mga ito ang buong tatag na determinasyon at kusang-loob ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, kaligtasan, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.
Ikalawa, sa kabila ng ilang malaking pagkakaiba ng dalawang panig, buong sikap pang hinahanap ng panig Tsino ang punto ng aktuwal na pakikipagkooperasyon sa panig Amerikano, at narating ang ilang pagkakasundo tungkol dito, bagay na nagpapakita ng mataas na responsibilidad sa kapakanan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Ikatlo, maliwanag na inilabas ng pang Tsino ang pananaw nito sa relasyon ng malalaking bansa, ibig sabihin, buong tatag na ipinagtatanggol ng panig Tsino ang “tunay na multilateralismo.”
Palagiang bukas ang pinto ng pagpapatuloy ng diyalogong Sino-Amerikano, ngunit kailangan silang magkasanib na kumilos sa isang magkaparehong direksyon. Sa pamamgitan nito, matutuhan ng panig Amerikano ang tungkol sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, tungo sa pagkakaroon ng ice breaker ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Kooperasyon ng Tsina at Amerika, dapat palawakin sa ibang mahahalagang larangan
Estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, natapos
Anu-ano ang magiging mahalaga para sa kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano
Bagong sangsyon ng Amerika sa Tsina, hindi mabuting paraan ng pagtanggap sa mga panauhin
Tsina sa Amerika: Iwasan ang konprontasyon at pasulungin ang win-win na kooperasyon