Estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, natapos

2021-03-20 10:26:20  CMG
Share with:

Estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, natapos_fororder_080a390ed77d4950a407951fb3049e07

 

Natapos kahapon, Biyernes, ika-19 ng Marso 2021, local time, sa Anchorage, Alaska, ang dalawang araw na estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika.

 

Sa preskon pagkatapos nito, sinabi ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na tapat, konstruktibo, at kapaki-pakinabang ang diyalogo. Samantala aniya, umiiral pa rin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang panig.

 

Dapat igiit ng Tsina at Amerika ang patakarang "walang sagupaan," para pasulungin ang kanilang relasyon tungo sa malusog at matatag na landas, dagdag ni Yang.

 

Sinabi naman ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa diyalogong ito, buong linaw na ipinaalam ng panig Tsino sa panig Amerikano na napakahalaga ng soberanya, at huwag maliitin ang determinasyon ng Tsina na ipagtanggol ito.

 

Estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika, natapos_fororder_19dd4160384e4d5092afaa929ea63b97

 

Sa hiwalay namang preskon, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na nauunawaan ng kanyang panig na marami ang mga lugar kung saan may pagkakaiba ang Amerika at Tsina. Pero aniya, nakagawa pa rin ang dalawang panig ng buong tapat na talakayan tungkol sa mga isyung may komong interes.

 

"Gusto naming ilahad ang aming mga patakaran, priyoridad, at pananaw, at ginawa namin iyon," saad ni Blinken.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method