Dumating Marso 21, 2021, sa Niamey, kabisera ng Niger, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina.
Kaugnay nito, isang seremonya ng pagtanggap ang idinaos sa paliparan na dinaluhan nina Mahamadou Issoufou, Pangulong ng Niger; Zhang Lijun, Embahador ng Tsina sa Niger; at iba pang opisyal.
Sa panayam sa media, pinasalamatan ni Issoufou ang tulong ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina.
Sinabi niyang ang Tsina ay ang unang bansa sa buong daigdig, na tumugon sa pangangailangan ng Niger, at nagkaloob ng bakuna sa Niger.
Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Zhang na ang mabilis na pagbibigay ng bakuna sa Niger ay lubos na nagpapakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ayon sa datos na ipinalabas ng Ministri ng Pampublikong Kalusugan ng Niger, hanggang Marso 21, 2021, 4,918 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, 185 ang kabuuang bilang ng mga punamaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio