PM ng Pakistan, nagpaturok ng bakuna ng Sinopharm kontra COVID-19

2021-03-19 15:12:44  CMG
Share with:

PM ng Pakistan, nagpaturok ng bakuna ng Sinopharm kontra COVID-19_fororder_20210319Pakistan

Nagpaturok nitong Huwebes, Marso 18, 2021 si Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm, ilang araw pagkatapos ng pagtuturok ng pangulong Pakistani ng Sinopharm vaccine noong Marso 15.
 

Sinimulan ng Pakistan ang pagbabakuna kontra COVID-19 noong unang dako ng Pebrero, pagkaraang tanggapin ang bakunang donasyon ng Tsina. Ang mga frontliner sa bansa ay unang pangkat na binakunahan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method