Ministrong Panlabas ng Malaysia: mga diplomata ng Hilagang Korea, pinalayas na sa Malaysia

2021-03-22 15:32:31  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas nitong Linggo, Marso 21, 2021 ni Punong Ministro Hishammuddin Hussein ng Malaysia, pinalayas na sa araw ring iyon ang lahat ng diplomata ng pasuguan ng Hilagang Korea sa Malaysia.

Ministrong Panlabas ng Malaysia: mga diplomata ng Hilagang Korea, pinalayas na sa Malaysia_fororder_20210322Malaysia

Pasuguan ng Hilagang Korea sa Kuala Lumpur

Saad ni Hussein, ang pagpapalayas sa mga diplomatang Hilagang Koreano, batay sa Vienna Convention on Diplomatic Relations 1961 ay isang sapilitang hakbangin bilang tugon sa unilateral na pagputol ng Hilagang Korea sa relasyong diplomatiko sa Malaysia.
 

Layon nitong pangalagaan ang soberanya at kapakanan ng bansa, dagdag niya.
 

Aniya, umalis na nitong Linggo ng umaga ang mga diplomata ng Hilagang Korea.
 

Matatandaang inilabas noong Marso 19, ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea ang kapasyahang pumuputol sa relasyong diplomatiko sa Malaysia.

Ministrong Panlabas ng Malaysia: mga diplomata ng Hilagang Korea, pinalayas na sa Malaysia_fororder_20210322Malaysia2

Pasuguan ng Malaysia sa Pyongyang

Bilang tugon, ipinasiya nang araw ring iyon ng Ministring Panlabas ng Malaysia na isarado ang pasuguan nito sa Pyongyang, at hiniling sa lahat ng diplomata ng pasuguan ng Hilagang Korea sa Kuala Lumpur at kani-kanilang mga kapamilya na umalis sa Malaysia sa loob ng 48 oras.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method