Pamahalaan ng Malaysia, lumagda sa kontrata ng pagbili ng CoronaVac ng Tsina

2021-01-27 16:21:26  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Martes, Enero 26, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia na lumagda ito sa kasunduan ng pagbili ng CoronaVac na idinedebelop ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina, sa pamamagitan ng Pharmaniaga, malaking pharmaceutical company na ari ng Malaysia.
 

Pagkaraang makakuha ng permiso mula sa departamento ng pagsusuperbisa at pangangasiwa sa gamot ng Malaysia, tinatayang ipapadala sa Malaysia ang mga pangkat ng bakuna ng Sinovac, mula Abril ng kasalukuyang taon.
 

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Zulkarnain Md Eusope, Direktor na Tagapagpaganap ng Pharmaniaga, na ikinasisiya ng kanyang kompanya ang resulta ng phase III clinical trial ng CoronaVac.
 

Ligtas, mabisa at de-kalidad ang CoronaVac, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method