Bagong pangkat ng bakunang Tsino, dumating sa Colombia

2021-03-22 10:32:36  CMG
Share with:

Bagong pangkat ng bakunang Tsino, dumating sa Colombia_fororder_20210322Colombiabakuna1550

Kaugnay ng pagdating sa Bogota, kabisera ng Colombia nitong Sabado, Marso 20, 2021 ng ika-3 pangkat ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinaabot ni Pangulong Ivan Duque ng nasabing bansa ang pasasalamat sa mabilis at pragmatikong suporta ng Tsina sa pakikibaka ng Columbia laban sa pandemiya.

Bagong pangkat ng bakunang Tsino, dumating sa Colombia_fororder_20210322Colombiabakuna2550

Sa isang news briefing nitong Sabado, inilahad ni Duque na ibabahagi ang mga bakuna ng Sinovac sa buong bansa para sa pagsasakatuparan ng layuning bakunahan ang mahigit 70% ng populasyon.

 

Ayon pa sa datos ng departamentong pangkalusugan ng Colombia, hanggang noong Marso 20, pumalo na sa 2,331,187 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method