FM ng Rusya, dumadalaw sa Tsina: komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, palalakasin

2021-03-22 11:55:17  CMG
Share with:

Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, sinimulan mula Marso 22, 2021, ni Sergey Lavrov Ministrong Panlabas ng Rusya, ang kanyang dalawang araw na pagbisita sa bansa.

FM ng Rusya, dumadalaw sa Tsina: komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, palalakasin_fororder_lavrov

Ang taong 2021 ay Ika-20 anibersaryo ng pagkakalagda ng Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation Between the People's Republic of China and the Russian Federation (FCT).

 

Ang pagdalaw ni Lavrov ay siya ring unang pagdalaw ng Ministrong Panlabas ng Rusya sa Tsina pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Hinggil dito, tinukoy ng dalubhasa na ang mahigpit na pagpapalitan ng Tsina at Rusya sa mataas na antas ay tiyak na magpapataas sa pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, magpapahigpit sa estratehikong koordinasyon ng dalawang panig sa mga isyung pandaigdig, at magpapasulong sa bagong pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.

 

Ang pagdalaw ni Lavrov sa Tsina ay magpopokus sa mga temang gaya ng “bilateral na relasyon” at “estratehikong partnership.”

 

Sinabi ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa panahon ng pagdalaw ni Lavrov, magkokoordinasyon ang mga Ministrong Panlabas ng dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon at pagpapalitan sa mataas na antas, at magpapalitan sila ng palagay kaugnay ng mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

 

Please select the login method