Ipinatalastas nitong Huwebes, Marso 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa bansa si Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, mula ika-22 hanggang ika-23 ng Marso.
Saad ni Zhao, ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagpirma ng Kasunduan ng Tsina at Rusya sa Matalik na Magkapitbansa, at ito ay milestone sa kasaysayan ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Aniya, kailangang ibayo pang palakasin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan para ilatag ang pundasyon sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa kasalukuyang taon.
Dagdag ni Zhao, maghahambing ang magkabilang panig ng mga notes o tala hinggil sa bilateral na relasyon at pagpapalitan sa mataas na antas sa malapit na hinaharap.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tsina at Rusya, lumagda sa MOU hinggil sa pandaigdigang istasyon ng pananaliksik sa Buwan
Wang Yi: Kooperasyong Sino-Ruso, dapat buong tatag na sumulong
Pagkakaiba sa pagitan ng Rusya, Amerika at EU, dapat lutasin sa pamamagitan ng diyalogo - Tsina
Pagpapahaba ng panahon na may-bisa New START, aprubado ng Federation Council at State Duma ng Rusya