Kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika, di-kaaya-aya: pakiki-alam sa suliraning panloob ng Tsina, di-nararapat

2021-03-22 12:06:00  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa ulat ng Associated Press, Reuters at iba pang dayuhang media kaugnay ng  Pulong bilang Paggunita sa International Day for the Elimination of Racial Discrimination ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) na idinaos Marso 19, binatikos ni Linda Thomas-Greenfield, Pirmihang Kinatawan ng Amerika sa UN, ang Tsina dahil sa di-umano’y isinasagawa nitong “genocide at iba pang krimen laban sa mga minoryong nasyonalidad” sa Xinjiang.

 

Bilang tugon, agaran itong tinutulan ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN.

Kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika, di-kaaya-aya: pakiki-alam sa suliraning panloob ng Tsina, di-nararapat_fororder_daibing

Tinukoy ni Dai na ang pananalita at aksyon ng Amerika ay pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at ang di-umano’y “genocide” ay kasinungalingang hindi maaaring sumaklaw sa katotohanan.

 

Diin ni Dai, masama ang kalagayan ng karapatang pantao sa loob ng Amerika, at walang kuwalipikasyon ang Amerika na komentuhan ang ibang bansa sa isyung ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method