Ipinahayag Marso 22, 2021, ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na inaprobahan na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Dahil dito, ang Tsina ang unang bansa na nag-aproba sa RCEP.
Bukod sa Tsina, aprobado na rin ng Thailand ang naturang kasunduan.
Samantala, ipinahayag ng lahat ng miyembro ng RCEP na aaprobahan nila ito bago ang katapusan ng taong 2021, para magkabisa ang kasunduan sa Enero 1, 2022.
Bilang napakalaking malayang sonang pangkalakalan, ang 15 miyembro ng RCEP ay may 2.27 bilyon kabuuang populasyon, abot sa 26 trilyong dolyares ang GDP, at 5.2 trilyong dolyares na halaga ng pagluluwas, na bumubuo sa mga 30% ng kabuuang pagluluwas ng buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio