Pagkakaroon ng bisa ng Rules of Origin ng RCEP, aktibong pinapasulong ng adwana ng Tsina

2021-02-26 11:53:58  CMG
Share with:

Noong nagdaang Nobyembre, pormal na nilagdaan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Ito ang kasunduan sa malayang kalakalan na may pinakamalaking populasyon, pinakadibersipikadong kasapi, at pinakamalaking potensyal ng pag-unlad na nilagdaan ng Tsina hanggang sa kasalukuyan.
 

Sinabi nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021 ni Jiang Feng, Opisyal ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng bansa ang komprehensibong pagpapatupad ng Rules of Origin at pagbabawas sa taripa ng RCEP, at inaasahang matatapos ang mga dokumentong pambatas at kaukulang gawaing teknikal sa unang hati ng taong ito.
 

Aniya, pagkaraang ipatupad ang RCEP, ibayo pang palalawakin ang saklaw ng pagbabawas ng taripa at pagpapababa ng gastos ng adwana, at mabisang pasusulungin din ang pagluluwas ng bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method