RCEP, pormal na pinagtibay ng Tsina—Ministro ng Komersyo ng Tsina

2021-03-09 11:42:05  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, pormal na pinagtibay ng pamahalaang Tsino ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Pinapabilis ng ilang kasaping bansa ang prosedyur ng pag-apruba, at umaasang mapapabilis ng mga kaukulang bansa ang kani-kanilang proseso.
 

Ito ay isiniwalat ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, sa sidelines ng taunang pambansang lehislatibong sesyon ng bansa nitong Lunes, Marso 8, 2021.

RCEP, pormal na pinagtibay ng Tsina—Ministro ng Komersyo ng Tsina_fororder_20210309WangWentao

Saad ni Wang, ang pagpapatibay ng 6 na kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 3 di-kasaping bansa ng ASEAN ang kinakailangan upang magkaroon ng bisa ang RCEP. Aniya, kung magkakabisa ito sa mas maagang panahon, agad na makikinabang dito ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
 

Dagdag niya, sa kasalukuyang taon, magiging mas malawak ang pagbubukas ng Tsina, at magiging mas mababa rin ang pamantayan ng pagpasok sa pamilihang Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method