Bakuna ng Tsina, dumating ng Benin

2021-03-22 15:26:06  CMG
Share with:

 

 

Dumating gabi ng Marso 21, 2021, sa Cotonou, pinakamalaking lunsod ng Benin, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

Bakuna ng Tsina, dumating ng Benin_fororder_bakuna

Kaugnay nito, isang seremonya ng pagtanggap ang idinaos sa paliparan, na dinaluhan nina Benjamin Hounkpatin, Ministro ng Kalusugan ng Benin, at Peng Jingtao, Embahador ng Tsina sa Benin.

 

Pinapurihan ni Hounkpatin ang malakas na suporta ng Tsina sa Benin sapul nang kumalat ang pandemiya ng COVID-19.

 

Ipinahayag niya na ang Marso 21, 2021 ay mahalagang panahon sa proseso ng paglaban ng Benin sa COVID-19, at ito rin ay milestone ng pagkakaibigan ng Tsina at Benin.

 

Samantala, sinabi ni Peng na ang pagdating ng mga bakuna sa Benin ay lubos na nagpakita ng malalim na pagkakaibigan at malawak na kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Inaasahan niya ang patuloy na pagsisikap ng dalawang bansa para magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Benin, at pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Aprika.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method