Pagtatagpo ng mga FM ng Tsina at Rusya, mabunga

2021-03-24 15:50:50  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso, 23, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mabunga ang pagtatagpo nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya.

 

Ani Hua, malawak na nagpalitan ng pananaw at kuru-kuro ang dalawang ministrong panlabas kaugnay ng bilateral na relasyon at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Dagdag ni Hua, narating ng dalawang panig ang serye ng bagong komong palagay.

 

Nilagdaan din ng dalawang panig ang Magkasanib na Pahayag ng Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya kaugnay ng mga isyu ng pagsasaayos ng daigdig.

 

Ito ay nagpapakita ng matatag na mithiin ng Tsina at Rusya na magkasamang pangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig, saad ni Hua.

Pagtatagpo ng mga FM ng Tsina at Rusya, mabunga_fororder_tsinarusya

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method