Tikis na pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, hinding hindi papayagan—Wang Yi

2021-03-23 15:47:52  CMG
Share with:

Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov ngayong araw, Marso 23, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na ilang araw, magkasunod na dinungisan at binatikos ng iilang puwersang kanluranin ang Tsina, subalit dapat malaman hinding hindi babalik ang panahon ng tikis na pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga kuwento at kasinungalingan.

Tikis na pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, hinding hindi papayagan—Wang Yi_fororder_20210323WangYi

Tinukoy ni Wang na sa idinaraos na sesyon ng United Nations Human Rights Council, sinuportahan ng mahigit 80 bansa ang lehitimong paninindigan ng Tsina sa isyu ng Xinjiang, sa pamamagitan ng magkakasanib o nagsasariling talumpati, bagay na nagpapatunay na ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao, at hindi kumakatawan sa komunidad ng daigdig ang manipulasyon ng iilang puwersang kanluranin.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method