Inilabas Martes, Marso 23, 2021 ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Rusya ang magkasanib na pahayag hinggil sa mga isyu ng pangangasiwang pandaigdig.
Anang pahayag, sanhi ng tuluy-tuloy na pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mabilis na nagbabago ang kayariang pandaigdig, ibayo pang nawalan ng balanse ang global governance system, naapektuhan ang proseso ng pag-unlad ng kabuhayan, walang tigil na lumilitaw ang mga bagong banta at hamong pandaigdig, at pumasok na sa panahon ng kaligaligan ang daigdig.
Anito, dapat isaisang-tabi ng komunidad ng daigdig ang mga alitan, pagtipun-tipunin ang komong palagay, palakasin ang koordinasyon, ipagtanggol ang kapayapaan at daigdig at katatagan ng geostrategy, at pasulungin ang pagbuo ng mas makatarungan, demokratiko’t makatwirang multi-polar na kaayusang pandaigdig.
Tinututulan ng pahayag ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao, at ipinagdiinang walang nag-iisang pamantayan ng modelo ng demokrasya. Dapat igalang ang lehitimong karapatan ng mga soberanong bansa sa nagsasariling pagpili ng landas ng pag-unlad.
Dapat igiit ang unipikasyon at kooperasyon, sa halip na pagkakawatak-watak at komprontasyon, diin ng pahayag.
Salin: Vera
Pulido: Mac