Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa 6 na bansa sa Gitnang Silangan

2021-03-24 15:49:45  CMG
Share with:

Mula Marso 24, hanggang Marso 30, 2021, isasagawa ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang opisyal na pagdalaw sa Saudi Arabia, Turkey, Iran, United Arab Emirates (UAE) at Bahrain; at ang pagdalaw ng pagtatrabaho o working visit sa Oman.

Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa 6 na bansa sa Gitnang Silangan_fororder_wangyigitnangsilangan

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 23, 2021 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinapakita nito ang lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyon sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

 

Ani Hua, isasagawa ni Wang ang malalim na estratehikong pakikipagkoordina sa mga bansa ng Gitnang Silangan, at makikipagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa mga suliranin sa rehiyong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method