Nagpa-iniksyon ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina, si Emmerson Dambudzo Mnangagwa, Pangulong ng Zimbabwe, Marso 24, 2021 (local time).
Kasabay nito, ipinatalastas ni Mnangagwa ang opisyal na pagsisimula ng ikalawang yugto ng pagbabakuna sa buong bansa.
Muli ring pinasalamatan ni Mnangagwa ang suporta ng Tsina sa kampanya ng bansa laban sa COVID-19.
Pinapurihan niya ang Tsina sa pagpupunyagi nito upang gawing pandaigdigang produktong pangkalusugan ang bakuna.
Aniya, ito ay magdudulot ng benepisyo sa mga umuunlad na bansa na tulad ng Zimbabwe.
Matatandaang magkasabay na dumating sa Zimbabwe, Marso 16, 2021 ang ikalawang pangkat ng bakuna na kaloob ng Tsina, at ang unang pangkat ng bakuna na binili nito mula sa Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio