Paglaban sa pandemiya ng COVID-19, nananatiling pinakamalaking hamon ng Amerika

2021-03-26 14:59:43  CMG
Share with:

Ang paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapabangon ng kabuhayan ay nananatiling pinakamalaking hamon na kinakaharap ng pamahalaang Amerikano.

 

Ipinahayag ito Marso 25, 2021, sa White House, ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, sa unang preskon pagkatapos siyang manungkulan bilang Pangulo ng Amerika.

Paglaban sa pandemiya ng COVID-19, nananatiling pinakamalaking hamon ng Amerika_fororder_拜登

Ayon kay Biden, sa loob ng 100 araw ng kaniyang termino ay matatapos ang 200 milyong dosis na pagbabakuna sa Amerika, at isasakatuparan ang pagbabalik-eskwela ng karamihan ng mga elemantarya at high school sa bansa.

 

Aniya pa, sa Marso 26, sisimulan sa Pittsburgh, ang malawakang rekonstruksyon ng programang pang-imprastruktura ng Amerika, na inaasahang magdudulot ng maraming trabaho.

 

Samantala, ipinahayag din ni Biden na sa kabila ng paglitaw ng kompetisyon sa pagitan ng Tsina at Amerika, hindi nais ng Amerika ang konprontasyon sa Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method