Ipinahayag kamakailan ng White House, na inimbitahan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang 40 pinuno ng mga bansa at organisasyong pandaigdig para lumahok sa Climate Summit na gaganapin sa huling dako ng susunod na Abril.
Sinabi ng White House na gaganapin ang nasabing summit sa pamamagitan ng video link.
Kabilang sa mga inimbitahang pinuno ay mga lider ng 38 bansa at organisasyong gaya ng Tsina, at Rusya, Presidente ng European Union Commission, at Presidente ng European Council.
Pokus ng summit ang pangkagipitang pagsasagawa ng mas malakas na aksyon para harapin ang pagbabago ng klima.
Salin: Lito
Pulido: Rhio