CMG Komentaryo: Aktuwal na aksyon, kailangang isagawa ng Amerika, kaugnay ng muling pagsapi sa “Paris Agreement”

2021-02-21 12:55:20  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 19 (local time), 2021 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na muling sumapi nang araw ring iyon ang Amerika sa “Paris Agreement.”

 

Bilang pangunahing bansang nagbubuga ng greenhouse gas sa buong daigdig, pormal na tumalikod ang Amerika sa “Paris Agreement” noong katapusan ng nagdaang taon, dahil dumarami di-umano ang pasaning pinansiyal at ekonomiko nito dulot ng nasabing kasunduan.

 

Ang aksyong ito ay grabeng nakapagpahina sa bisa ng pag-i-implementa ng nasabing kasunduan, at nakapagpahina sa sarili mismo ng Amerika.

 

Sa kalagayang ito, katanggap-tanggap ang pagsapi muli ng Amerika sa “Paris Agreement.”

 

Ngunit para sa panig Amerikano, mas mahalaga ang pagsasakatuparan ng obligasyon kumpara sa mga inilabas na posisyon.

 

Sa kalagayan ng American political polarization, ang pagsagawa ng aktuwal na kilos, pagpigil sa pagiging biktima ng bansa sa nasabing kasunduan dahil sa partisan wrangle, at paggarantiya sa pagsunod ng patakarang Amerikano sa usapin ng klima, ay mga problemang dapat agarang lutasin ng pamahalaan ni Biden.

 

Mula naman sa anggulong panlabas, ang isyu ng pagbabago ng klima ay tinataguriang mahalagang parte ng pamahalaan ni Biden sa muling pagtatatag ng liderato ng Amerikano sa buong daigdig.

 

Ngunit, hindi ito nangangahulugang maaaring buong tigas na isagawa ng Amerika, tulad ng dati, ang “eksepsyon.”

 

Sa totohanang pagigiit ng multilateralismo, saka lamang maisasakatuparan ang pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

 

Bukod dito, hindi dapat gamitin ng mga maunlad na bansa na gaya ng Amerika ang pagbabago ng klima para hadlangan ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.

 

Umaasa ang lahat na totoong mapagtatanto ng Amerika ang katuturan ng “Paris Agreement” tungo sa sustenableng pag-unlad ng sangkatauhan at  upang magkaroon ito ng positibong ambag sa pagharap sa pagbabago ng klima at isabalikat ang responsibilidad bilang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method