Ipinadala na nitong Linggo, Marso 28, 2021 papuntang El Salvador ang unang pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinovac Biotech Company Limited ng Tsina.
Sinalubong nina Francisco Alabi, Ministro ng Kalusugan ng El Salvador, at Ou Jianhong, Embahador ng Tsina sa El Salvador, ang pagdating ng mga bakuna sa paliparan.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglilipat ng bakuna, pinasalamatan ni Alabi ang suporta ng panig Tsino sa kampanya ng kanyang bansa laban sa pandemiya.
Nauna rito, sa pamamagitan ng social media, nagpasalamat din nitong Sabado si Pangulong Nayib Armando Bukele Ortez ng El Salvador sa pagkatig ng mga lider at pamahalaang Tsino sa pagpigil ng kanyang bansa sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Litrato: Press Secretariat of the Presidency of the Republic of El Salvador / Embahada ng Tsina sa El Salvador