Mahigit 97 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ibinakuna sa Tsina

2021-03-27 17:19:46  CMG
Share with:

Mahigit 97 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ibinakuna sa Tsina_fororder_747dc77071aa4b31beb0aa2dc67fda61

 

Ayon sa pinakahuling estadistika ng Pambansang Komisyon sa Kalusugan ng Tsina, hanggang kahapon, Biyernes, ika-26 ng Marso 2021, mahigit 97.47 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang nagamit sa pagbabakuna sa buong Tsina.

 

Samantala, ayon naman sa ulat kahapon ng China National Pharmaceutical Group (Sinopharm), lumampas sa 100 milyong dosis ang kabuuang bilang ng kaloob na bakuna kontra COVID-19 sa buong daigdig na idinebelop ng dalawang sangay ng kompanyang ito.

 

Kabilang dito, mahigit 80 milyong dosis ang nagamit na sa inokulasyon sa mga tao mula sa mahigit 190 bansa, ayon pa rin sa naturang kompanya.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method