Torch relay sa Hapon, siksikan: mga tao, nanatakot sa muling pagdami ng mga kasong COVID-19

2021-03-29 16:56:43  CMG
Share with:

Siksikan ang eksena sa iba’t ibang lugar sa Hapon, Marso 28, 2021, kaugnay ng unang weekend ng  torch relay ng Tokyo Olympic Games.

 

Dahil dito, maraming tao ang natatakot, dahil sa muling pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa ulat, pagkatapos makansela ang lockdown Marso 22, 2021, sa buong Hapon, lumitaw ang muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

 

Samantala, partikular na itinakda ng Tokyo Olympic Committee ang Guidance for COVID-19 Prevention bago magsimula  ang torch relay, at alinsunod dito, posibleng ipahinto ang  torch relay kung masyadong siksikan ang mga tao.

 

Pero, ipinagpatuloy Marso 29, ang torch relay sa Hapon.

 

Ipinalalagay ng media na napakalaki ang presyur ng Hapon sa pagkontrol sa COVID-19.

 

Torch relay sa Hapon, siksikan: mga tao, nanatakot sa muling pagdami ng mga kasong COVID-19_fororder_tokyotorch

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method