Sa pakikipag-usap sa telepno gabi ng Marso 29, 2021, kay Pangulong Evariste Ndayishimiye ng Burundi, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na pinupuri ng Tsina ang patakaran ng pagkakaibigan sa Tsina ng Brunundi. Dapat aniya palakasin ng dalawang panig ang pagkakaisa para magkasamang mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng buong daigdig.
Ani Xi na nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Burundi, ang bunga na narating sa Beijing Summit ng Porum sa Pagtutulungan ng Tsina at Aprika.
Samantala, ipinaabot ni Ndayishimiye ang pagbati sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Pinapurihan niya ang kahanga-hangang bunga na natamo ng CPC sa pag-ahon sa karalitaan, paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at iba pang larangan.
Sinabi pa niya na lubos na pinahahalaghan ng Burundi ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at umaasang pasusulungin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac