Pangulo ng Tsina at Cameroon, bumati sa isa’t isa kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2021-03-26 16:02:40  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, ipinadala Biyernes, Marso 26, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Paul Biya ng Cameroon ang mensaheng pambati sa isa’t isa.
 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Cameroonian, at nakahandang magpunyagi, kasama ni Pangulong Biya, para ipatupad ang natamong bunga ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, palakasin ang kooperasyon sa Belt and Road, ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at gawin ang positibong ambag para sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.
 

Inihayag naman ni Pangulong Biya ang pananabik na magiging mas mahigpit ang kooperasyong Sino-Cameroonian, magiging mas malawak ang prospek, at ihahatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac
 

Please select the login method