Tsina at Sri Lanka, nakahandang magkasamang magsikap para mapangalagaan ang komong kapakanan

2021-03-30 15:14:40  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono gabi ng Marso 29, 2021, kay Pangulong Gotabhaya Rajapaksa ng Sri Lanka, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon ng dalawang panig, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Sri Lanka, para patuloy na matatag na suportahan ang isa’t isa sa mga isyung kaugnay ng masusing kapakanan ng dalawang bansa, at magkasamang mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

Tsina at Sri Lanka, nakahandang magkasamang magsikap para mapangalagaan ang komong kapakanan_fororder_1127091656_16129599279381n_conew1

Samanatala, ipinaabot ni Gotabhaya ang pagbati sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Mataas na pinapurihan niya ang pangkasaysayang bunga na natamo ng CPC.

 

Aniya pa, pinasalamatan ng Sri Lanka ang suporta ng Tsina sa Sri Lanka. Nakahanda ang Sri Lanka na patuloy na makipagkoordinasyon sa Tsina para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method