Malugod na tinatanggap ng Tsina ang pagbisita sa Xinjiang ng United Nations High Commissioner for Human Rights, ayon sa pahayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina nitong Lunes, Marso 29, 2021.
Aniya, ipinadala na ng panig Tsino ang paanyaya sa high commissioner, at laging pinananatili ng kapuwa panig ang pag-uugnayan tungkol dito.
Diin ni Zhao, sa mula’t mula pa’y nananatiling bukas ang pinto ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang. Aniya, ang layon ng pagbisita sa Xinjiang ay para pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang panig, sa halip na isagawa ang umano’y imbestigasyon sa ilalim ng inaakalang pagkakasala.
Tinututulan ng panig Tsino ang manipulasyong pulitikal at pagpapataw ng presyur sa panig Tsino, gamit ang isyung ito, dagdag ni Zhao.
Salin: Vera
Pulido: Mac