Bilang tugon sa unilateral na sangsyong isinagawa ng Amerika at Canada noong Marso 22 sa ilang indibiduwal at entidad ng Tsina, batay sa kasinungalinan at pekeng impormasyon, ipinasiya ng panig Tsino na patawan ng ganting sangsyon sina Gayle Manchin, Presidente ng United States Commission on International Religious Freedom (USCIRF); Tony Perkins, Pangalawang Presidente ng USCIRF; Michael Chong, Miyembro ng Parliamento ng Canada; at Subcommittee on International Human Rights of the Standing Committee on Foreign Affairs and International Development of the House of Commons of Canada.
Ayon dito, ipinagbabawal na pumasok ang nasabing mga personalidad sa Chinese mainland, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Macao (MacaoSAR).
Bukod dito, ipinagbabawal din ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan at organong Tsino sa naturang mga tauhan at entidad.
Maliban diyan, nananatili pa rin ang bisa ng naunang ipinataw na sangsyon ng panig Tsino sa ilang indibiduwal ng panig Amerikano bilang tugon sa kanilang grabeng pagpinsala sa soberanya at kapakanan ng Tsina sa isyu ng Xinjiang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio