Op-Ed: Tangkang paggamit sa isyu ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina, di-matatanggap ng mga mamamayang Tsino

2021-03-29 17:42:04  CMG
Share with:

Op-Ed: Tangkang paggamit sa isyu ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina, di-matatanggap ng mga mamamayang Tsino_fororder_20210329bulak600

Nitong ilang araw na nakalipas, walang humpay na niluluto ng mga bansang Kanluraning pinamumunuan ng Amerika ang mga kasinungalinang gaya ng “genocide” at “forced labor” sa Xinjiang.

 

Sa katuwirang mga ito, ipinataw din nila ang unilateral na sangsyon laban sa mga kaukulang indibiduwal at entidad ng Xinjiang..

 

Ang mga ito ay hindi matatanggap ng mga mamamayang Tsino, at ilang key words ang lumabas hinggil sa mga kasuka-sukang hakbanging ito.

 

Poot - Kaugnay ng umano’y isyu ng Xinjiang, pinatawan kamakailan ng sangsyon ng Unyong Europeo (EU), Amerika, Britanya, at Kanada ang Tsina. Bilang tugon, isinagawa ng Tsina ang tatlong beses na sangsyon sa ilang kaukulang bansang Europeo at Amerika sa loob ng isang linggo lamang. Ipinalabas din ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina ang solemnang pahayag kung saan buong tindi nitong inilahad ang pagtutol at buong higpit na kinondena ang  panghihimasok ng Amerika, Britanya, at Kanada sa mga suliraning panloob ng Tsina. Bukod dito, dahil sa walang batayang panggagatong ng Better Cotton Initiative (BCI) ng Switzerland sa isyu ng Xinjiang at pangunguna nito sa pag-boycott sa bulak ng Xinjiang, umani ng malawakang pagkondena ang BCI mula sa malawak na masa ng mga mamamayang Tsino. Ngayon, ikinapopoot ng mga mamamayang Tsino ang mga ginagawa ng Amerika at ilan nitong kaalyado. Marahil, ngayon ay batid na nila ang grabeng resulta ng kanilang mga estratehiya.

Op-Ed: Tangkang paggamit sa isyu ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina, di-matatanggap ng mga mamamayang Tsino_fororder_20210329bulak3600

Bulak ng Xinjiang

Suklam - Tungkol sa “genocide” at “forced labor,” alam ng mga taong  nag-aral ng kasaysayan ang totoong naganap sa Amerika, Kanada, at Australia. Ngunit bakit nila ginagamit ang bulak ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina? Ibinigay ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pamantayang sagot: “dahil sa kanilang sariling kasaysayan nitong mahigit isang daang taon, ang kanilang karanasan ay ginagawa nilang pamantayan sa pagtasa sa iba.” Sa katotohanan, ang umano’y “isyu ng Xinjiang” ay isyu ng paglaban sa terorismo, separatismo, at ekstrimismo, sa halip na isyu ng karapatang pantao, nasyonalidad, at relihiyon. Sa isyu ng karapatang pantao at demokrasya, palagiang isinasagawa ng Amerika ang “double standards.” Kaugnay nito, makikita sa mga nakaraang digmaan laban sa terorismo na pinamunuan ng Amerika, mahigit 12 milyong Muslims ang direkta o indirektang binawian ng kanilang buhay, at di-mabilang na mga Muslim ang nawalan ng tahanan. Sa kabilang dako, isinasagawa ng Tsina ang mga hakbangin sa Xinjiang na gaya ng bokasyonal na pagsasanay, pagdaragdag ng trabaho, at pagbibigay-tulong sa mahihirap at pagpapa-ahon sa karalitaan para lubos na pawiin ang terorismo. Kung ihahambing ang dalawa, labis na kasuklam-suklam ang mga gawain ng Amerika, na bumabatikos sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.

Op-Ed: Tangkang paggamit sa isyu ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina, di-matatanggap ng mga mamamayang Tsino_fororder_20210329bulak2600

Bulak ng Xinjiang

Kahinahunan - Ito ay mula sa lakas ng loob, tibay ng puso at malakas na puwersa. Ang dahilan ng walang tigil na pagdungis at pag-atake kamakailan ng mga bansang Kanluranin sa Tsina ay nagmumula sa pagkatakot na mawawala sa kanilang mga kamay ang hegemonikong katayuan sa daigdig. Bilang tugon, minsa’y malinaw na ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa mula’t mula pa’y ang tanging hangad ng Tsina ay panaigan lamang ang sarili at magbigay ng maginhawang kinabukasan para sa mga mamamayan nito. Wala itong balak na makipagkompetisyon sa Amerika. “Kahit anong nangyayari sa iba’t-ibang sulok ng daigdig, naninindigan pa rin ang Tsina sa sariling posisyon,” Dagdag ni Hua. Walang anumang batayan ang pag-atake ng ilang bansang Kanluranin sa Tsina, at ang kanilang mga kilos ay tumataliwas sa pinagbabahaginang aspirasyon ng mga mamamayan sa daigdig. Tiyak na mabibigo ang kanilang tangka.

Op-Ed: Tangkang paggamit sa isyu ng Xinjiang para dungisan ang reputasyon ng Tsina, di-matatanggap ng mga mamamayang Tsino_fororder_20210329Iraq600

Kompiyansa - Ito ay mula sa limang libong taong kulturang Tsino. Labingwalong (18) taon na ang nakararaan sapul nang sumiklab ang mapanlinlang na digmaan ng Amerika laban sa Iraq, pero, nais pa ring gamitin ng Amerika ang dating paglilinlang laban sa Tsina. Ang kaibahan lang— ang kagamitan nila ngayon ay bulak ng Xinjiang sa halip na isang bote ng washing powder. Ngunit dapat mabatid ng Amerika at mga kaalyado nito na ang kasalukuyang Tsina ay hindi Iraq, at Libya, at hinding-hindi ito ang pamahalaan ng Dinastiyang Qing, 120 taon na ang nakararaan. Payo sa kanila ng pamahalaang Tsino, huwag maliitin ang matatag at malakas na tibay ng loob ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa kapakanang pang-estado at dignidad ng nasyon. Walang intensyon ang Tsina na maghamon sa sinuman, ngunit hindi ito nakakatakot sa hamon mula sa sinuman; hindi ninanais ng Tsina na magbanta sa sinuman, pero bale-wala rin sa Tsina ang banta mula sa sinuman.

 

Sa wakas, isang pangungusap ang handog ng Tsina para sa Amerika at ilang kaalyado nito: “Pag-ingatan ang Sarili at Asikasuhin ang mga Sariling Suliranin.” Pinapayuhan sila ng Tsina na bigayn ng mas malaking pansin ang kani-kanilang sariling problema sa loob ng bansa, at huwag panghimasukin ang mga suliranin ng iba.

 

Sa ilalim ng malakas na pamumuno ng pamahalaang sentral ng Tsina at malakas na puwersa ng diwa ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, imposibleng magtagumpay ang anumang tangkang dungisan at sirain ang reputasyon ng Tsina, at pinsalain ang kinabukasan ng mga mamamayang Tsino.


May-akda: Lito
Pulido: Rhio / Jade

Please select the login method