Bakuna ng Tsina, dumating sa Ehiopia

2021-03-31 11:36:09  CMG
Share with:

Dumating Marso 30, 2021, ng Addis Ababa, punong lunsod ng Ethiopia, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng Sinopharm ng Tsina.

Bakuna ng Tsina, dumating sa Ehiopia_fororder_ethiopia_conew1

Sa seremoniya ng pagsalubong, pinasalamatan ni Lia Tadesse Gebremedhin, Ministro ng Kalusugan ng Ethiopia, ang tulong ng Tsina.

 

Aniya sa tulong ng naturang bakuna ng Tsina, maisasakatuparan ng Ethiopia ang 20% target ng pagbabakuna sa populasyon sa lalo madaling panahon.

 

Samantala, ipinahayag ni Zhao Zhiyuan, Embahador ng Tsina sa Ethiopia na laging nagkakaisa ang Tsina at Ehiopia sa paglaban sa COVID-19.

 

Ang Ehiopia ay isa sa mga bansang Aprikano na mayroong pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Kalusugan ng Ehiopia, hanggang Marso 29, umabot sa 202,545 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 2,825 ang bilang ng mga pumanaw.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method