Ligtas at epektibo! Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac at Sinopharm ng Tsina - WHO

2021-04-01 15:37:48  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 31, 2021, Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) ng World Health Organization (WHO), na ayon sa estadistikang inilahad sa WHO ng Sinovac at Sinopharm ng Tsina, epektibo at ligtas ang mga bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na kanilang idinibelop.

Ligtas at epektibo! Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac at Sinopharm ng Tsina - WHO_fororder_who01

Samantala, naunang ipinahayag ni Margaret Harris, Tagapagsalita ng WHO, na posibleng aprubahan ng WHO ang pangkagipitang paggamit ng mga bakuna ng Sinovac at Sinopharm sa lalo madaling panahon.

 

Nauna rito, inaprobahan na ng WHO ang pangkagipitang paggamit sa 3 brand ng bakuna kontra COVID-19, na kinabibilangan ng bakuna na magkasamang gawa ng Pfizer ng Amerika at BioNTech ng Alemanya, bakuna na magkasamang gawa ng AstraZeneca at Oxford University ng Britanya, at bakunang gawa ng Janssen na kabilang sa kompanyang Johnson & Johnson ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method