Dumating gabi ng Marso 31, 2021, ng Phnom Penh, punong lunsod ng Kambodya, ang ikalawang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.
Sa seremonya ng pagsalubong, pinasalamatan ni Tea Banh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Pandepensa ng Kambodya, ang suporta ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina.
Aniya pa, ang bakuna ng Tsina ay gumaganap ng hindi mapapalitan at mahalagang papel para sa paglaban ng Kambodya sa COVID-19.
Samantala, sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya na bilang mabuting kaibigan, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19.
Sinabi rin niya na palagiang nananangan ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at aktibong isinasakatuparan ang pangako na gawing produkto ng pampublikong kalusugan buong daigdig ang bakuna ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio