Sa Global Trade Outlook na ipinalabas Marso 31, 2021, sinabi ng World Trade Organization (WTO), na naging mas mabuti ang pag-unlad ng kalakalang pandaigdig kaysa sa tinayang kalagayan.
Anito pa, inaasahang mas bubuti ang kalakalang pandaigdig sa 2021.
Sinabi ng ulat, na ang Asya ay ang tanging rehiyon sa mundo na nagkaroon ng positibong paglaki sa bolyum ng pagluluwas ng paninda.
Samantala, ang Tsina ang naging pinakamalaking bansa ng pagluluwas ng buong daigdig, at ikalawang bansa sa larangan ng pag-aangkat, sunod sa Amerika.
Sa kabilang dako, sinabi rin ng WTO, na mananatiling pinakamalaking banta sa pag-usbong ng kalakalan ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 sa hinaharap.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio