Sa pag-uusap nitong Abril 1, 2021, sa Nanping, lunsod ng lalawigang Fujian sa dakong timogsilangan ng Tsina, nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Hishammuddin bin Hussein ng Malaysia, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina na panatilihin ang pakikipagpalitan sa Malaysia sa iba’t ibang antas. Dapat lubos na patingkarin ng dalawang panig ang papel ng sistema ng pamahalaan sa mataas na antas ng dalawang bansa, at palalimin ang estratehikong pag-uugnay ng pag-unlad, at matatag na pasulungin ang kooperasyon ng mga malaking proyekto.
Aniya pa, nakahanda ang Tsina na palalimin ang pakikipagkooperasyong panrehiyon sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Malaysia, para pasulungin ang implementasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon.
Nakahanda rin ang Tsina na pabilisin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, saad ni Wang.
Samantala, inaasahan ni Hishammuddin na matutunan ang aral ng karanasan ng Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya, pamumuhunan, pagkain at iba pang larangan sa loob ng framework ng “Belt and Road Initiative (BRI)”.
Sa magkasamang pagharap sa media, ipinahayag ni Wang na narating ng Tsina at Malaysia ang 5 komong palagay sa pag-uusap na ito, na kinabibilangan ng pagsisimula ng Komisyon ng Kooperasyon sa mataas na antas ng Tsina at Malaysia, patuloy na pagpapalalim ng kooperasyon ng bakuna kontra COVID-19, palagiang pagpapasulong ng kooperasyong panrehiyon, magkakasamang pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea, pagsuporta sa multilateralismo at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac