Ang mga natamong malaking bunga ng Laos sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay tagumpay ng kooperasyon ng Tsina at Laos.
Ipinahayag ito ni Phankham Viphavanh, Premiyer ng Laos, sa seremoniya ng pagsalubong sa ikalawang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 na ipinagkaloob ng hukbong militar at pamahalan ng Tsina, na dumating gabi ng Marso 31, 2021 sa Vientiane Wattay International Airport .
Ani Phankaham,hanggang sa kasalukuyan, salamat sa buong lakas na suporta at tulong ng Tsina, hindi umabot sa 50 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Laos, ito ang modelo para sa buong daigdig ng kooperasyon sa paglaban sa COVID-19.
Lumahok din sa seremoniya si Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos.
Salin:Sarah
Pulido:Mac