Vientiane, Laos—Isinalin ng Tsina sa Laos nitong Biyernes ng gabi, Marso 26, 2021 ang proyekto ng pag-a-upgrade at renobasyon sa sistema ng ilaw sa sentral na kalunsuran ng Vientine.
Sa seremonya ng paglilipat, sinabi ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, na ang mga pagpupunyagi ng panig Tsino at Lao ay nakatuon sa pagbibigay katotohanan sa hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa tungo sa maligayang pamumuhay, at ito ay makikita sa nasabing proyekto.
Aniya, sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), walang humpay na pinasasagana ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng paglaban sa pandemiya, mga proyekto ng konstruksyong munisipal, daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos, at iba pa ang esensya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos.
Ang mga konkretong nilalaman ng nasabing proyekto ay kinabibilangan ng pag-a-upgrade at renobasyon sa sistema ng fountain, ilaw at tunog sa Patuxay Monument, at renobasyon sa mga ilaw sa pitong kalye sa kanlunsurang sentral ng Vientiane.
Salin: Vera
Pulido: Rhio