Tbilisi, kabisera ng Georgia—Sa isang news briefing nitong Lunes, Abril 5, 2021, sinabi ni Ekaterine Tikaradze, Ministro ng Kalusugan ng Georgia, na ligtas at mapagkakatiwalaan ang bakunang kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm, at magpapatingkad ito ng mahalagang papel sa gawain ng paglaban sa pandemiya ng kanyang bansa.
Saad ni Tikaradze, kasabay ng walang humpay na pagdami ng bilang ng mga nagpainiksyon ng bakuna ng Sinopharm sa daigdig, walang duda ang episyensiya nito.
Binigyan niya ng positibong pagtasa ang kooperasyon ng Tsina at Georgia sa paglaban sa pandemiya. Aniya, ang mga materyal kontra pandemiya na ipinagkaloob ng Tsina ay mabisang nakapagpasulong sa gawain ng pagpuksa sa pandemiya ng kanyang bansa.
Sina Ekaterine Tikaradze (kaliwa), Ministro ng Kalusugan ng Georgia, at Li Yan (kanan), Embahador ng Tsina sa Georgia
Inihayag naman ni Li Yan, Embahador ng Tsina sa Georgia, ang kahandaan ng panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Georgian, upang magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.
Noong Abril 3, ipinadala sa Tbilisi ang unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm na binili ng pamahalaan ng Georgia.
Salin: Vera
Pulido: Mac