Maldives, inaprobahan ang paggamit ng bakuna ng Sinopharm

2021-03-16 15:54:43  CMG
Share with:

Maldives, inaprobahan ang paggamit ng bakuna ng Sinopharm_fororder_20120316bakuna

Inaprobahan na nitong Lunes, Marso 15, 2021 ng Maldives Food and Drug Administration (MFDA) ang pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm.
 

Tuturukan ang mga taong pasok sa grupong edad 18 hanggang 60 taong gulang ng bakuna ng Sinopharm.
 

Kasabay nito, ibinigay na rin ng MFDA ang Emergency Use Authority (EUA) sa bakuna ng Pfizer Pharmaceuticals Ltd. na gawa ng Amerika at BioNTech ng Alemanya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method