FM ng Tsina: Dapat tingnan ng Hapon ang Tsina sa mas positibong angulo

2021-04-06 14:17:10  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon, Abril 5, 2021, kay Motegi Toshimitsu, Ministrong Panlabas ng Hapon,  umaasa si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina,  na titingnan ng Hapon ang Tsina sa mas positibong angulo.

FM ng Tsina: Dapat tingnan ng Hapon ang Tsina sa mas positibong angulo_fororder_wangyi_conew1

Aniya ang pag-unlad ng Tsina ay paglaki rin ng mapayapang puwersa ng buong daigdig, at  mabuting elementong magpapasulong ng kooperasyong pandaigdig, at ito rin ay mahalagang pagkakataon para sa pangmalayuang pag-unlad ng kabuhayan ng Hapon.

 

Samantala, ipinahayag rin ni Wang na ang mithiin ng ilang superpower ay hindi maaaring kumatawan sa mithiin ng komunidad ng daigdig, at ang mga tagasunod nito ay walang karapatang sariling kontrulin ang regulasyon ng multilateralismo.

 

Bukod dito, binigyan-diin ni Wang na dapat munang ayusin ng bawat bansa ang mga isyung panloob. Mayroong karapatan ang bawat bansa na piliin ang landas ng pag-unlad na angkop sa kanilang sariling kalagayan, kasabay nito, dapat magkakasamang harapin ng Tsina at Hapon ang komong hamon ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

 

Please select the login method