Pangingisda ng Tsina sa Niu’e Jiao, lehitimo: Pilipinas, dapat itigil ang hype-up - Tsina

2021-04-07 17:09:02  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag na inilabas kamakailan ng Pilipinas tungkol sa resulta ng "South China Sea Arbitration," at pagtutol sa pangingisda ng Tsina sa Niu’e Jiao at dagat sa paligid nito, ipinahayag Abril 6, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Niu’e Jiao ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina, at lehitimo at makatuwiran ang pangingisda rito ng Tsina.

Pangingisda ng Tsina sa Niu’e Jiao, lehitimo: Pilipinas, dapat itigil ang hype-up - Tsina_fororder_zhaolijian

Aniya, ilegal ang resulta ng "South China Sea Arbitration" at hindi ito kinikilala ng Tsina.

 

Dapat din aniyang agarang itigil ng Pilipinas ang walang batayang hype-up kaugnay nito.

 

Samantala, bilang tugon sa pagtawag ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga mangingisda ng Tsina bilang “maritime militias,” ipinahayag ni Zhao na ito ay masamang pananalita at mayroong nangyayaring sabwatan sa usaping ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method