Nag-usap kahapon, Biyernes, ika-2 ng Abril 2021, sa lunsod ng Nanping, lalawigang Fujian, sa timog silangang Tsina, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Teodoro Locsin, Kalihim sa Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na patuloy na isagawa ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lalung-lalo na sa aspekto ng bakuna at pagtanggap sa health code ng isa't isa.
Dagdag niya, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pagtapos alinsunod sa iskedyul ng mga malaking proyekto sa ilalim ng kooperasyon ng Belt and Road at Build, Build, Build, para patingkarin sa lalong madaling panahon ang mga benepisyong pangkabuhayan at panlipunan ng mga proyektong ito.
Binigyang-diin din ni Wang, na komprehensibong ipapatupad ng Tsina, kasama ng Pilipinas at ibang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, pasusulungin ang konsultasyon sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at pananatilihin ang katatagan ng kalagayan sa karagatang ito.
Magsisikap din ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansang ASEAN, para ipatupad sa lalong madaling panahon ang kasunduan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sinabi naman ni Locsin, na pinahahalagahan ng Pilipinas ang ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.
Pinasalamatan din niya ang Tsina sa pagbibigay-suporta sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, lalung-lalo na sa mga donasyong bakuna.
Tinukoy ni Locsin, na ang pagkakaloob ng Tsina ng bakuna sa ibang bansa ay hindi "vaccine diplomacy," kundi pagpapakita ng responsibilidad. Dagdag niya, kung walang suporta ng Tsina, mahirap na bumangon ang rehiyong ito at daigdig mula sa pandemiya.
Ipinahayag din niya ang pagsuporta ng Pilipinas sa pagpapataas ng lebel ng relasyong ASEAN-Sino, at pagpapabilis ng konsultasyon sa COC.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Op-Ed: Pagsasanggunian at pagtutulungan, siyang tanging kalutasan sa isyu ng SCS
Kalihim Duque: Pabibilisin ang pagbabakuna sa mga tauhang medikal
Sugong Tsino: Sana'y ang mga bakuna ng Tsina ay makakatulong sa paglaban ng Pilipinas sa pandemiya
Ikalawang pangkat ng bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Pilipinas