Ipinatalastas kamakailan ni Tagapagsalia Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, isasagawa ni Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang pagdalaw sa Tsina mula noong Marso 31 hanggang Abril 2, 2021.
Sa kasalukuyan, mainam at konstruktibo ang kooperasyong Sino-Pilipino sa mga aspektong gaya ng pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagpapasulong ng mga kooperatibong proyektong pampamahalaan sa ilalim ng Build Build Build program, at pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Ito ang pangkalahatang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Inaasahan at pinaniniwalang sa darating na pag-uusap ng mga opisyal ng Tsina at Pilipinas, mararating ang ibayo pang pagkakasundo tungkol sa bilateral na kooperasyon tungo sa patuloy na pagpapalalim ng mapagkaibigang ugnayan.
Siyempre, mayroong isang isyung di-maiiwasang talakayin sa relasyong Sino-Pilipino — ang usapin tungkol sa South China Sea.
Ito ngayon ang pinakasensitibong usapin sa relasyon ng dalawang bansa na kailangang maayos na lutasin sa pamamagitan ng katalinuhang pulitikal.
Kaugnay ng paglitaw ng mga bapor Tsino sa Niu’e Reef sa South China Sea, muling inudyukan ng Amerika ang pagkakaroon ng gulo, at puspusan nitong ginatungan ang isyu ng South China Sea.
Nanawagan din ito sa mga bansa sa labas ng rehiyon na makilahok sa nasabing isyu.
Kaya sa kasalukuyang situwasyon, napakahalaga ng maayos na pakikitungo at tamang paghawak sa isyu ng South China Sea para sa kapuwa Tsina at Pilipinas.
Samantala, ang pinakamahalaga at pinakamahigpit na tungkulin na kasalukuyang kinakaharap ng pamahalaang Pilipino ay pagkontrol sa pagkalat ng pandemiya sa loob ng bansa, sa lalong madaling panahon, pagpapahupa sa pagtaas ng unemployment rate, at pagpapanumbalik ng kabuhayang grabeng apektado ng pandemiya.
Kung magpapabuyo ang Pilipinas sa Amerika sa isyu ng South China Sea, hindi mahahanap ang kalutasan sa nasabing mga problema.
Sa kabilang banda, pilit dinudungisan at ina-atake ng Amerika at mga kaalyado nito ang reputasyon Tsina hinggil sa katuwiran ng di-umano’y “isyu ng Xinjiang.”
Ang isyung ito ay ang kasangkapan ng mga bansang Kanluranin upang guluhin ang kalagayang panloob ng Tsina, samantalang ang isyu naman ng South China Sea ay ang kanilang kagamitan upang gawing maligalig ang kapit-kapaligiran ng Tsina.
Ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng matatag na kapit-kapaligiran: at ang matatag na kapit-kapaligiran ay komong pangangailangan para sa Tsina at mga kapitbansa upang magkakasamang maproteksyunan ang iba’t-ibang kaukulang panig.
Laging nagsisikap ang Tsina at mga kaukulang kapitbansa upang maitayo ang ganitong uri ng situwasyon.
Para rito, maagang nagkaroon ng pagkakasundo ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at sa kasalukuyan, buong sikap na pinapasulong ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea.
Bukod dito, limang beses nang nagkaroon ng bilateral na pagsasanggunian ang Tsina at Pilipinas sa ilalim ng Bilateral Consultative Mechanism (BCM) sa isyu ng South China Sea, na itinayo batay sa narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.
Sa mga pagsasangguniang ito, nagkaroon ng matapat at mapagkaibigang pag-uusap ang dalawang panig tungkol sa pangkalahatang situwasyon ng South China Sea, at mga isyung may kaugnayan sa dagat.
Sa katotohanan, ang mga elemento ng kawalang-katiyakan at panganib sa seguridad sa South China Sea ay nagmumula sa ilang puwersa sa labas ng rehiyong ito na pinamumunuan ng Amerika.
Kaugnay nito, labis na kailangan ang kalmadong pakikitungo ng Tsina at Pilipinas sa kanilang pagkakaiba para maiwasan ang pagsadlak sa “preset battlefield” na itinakda ng Amerika.
Ang ibayo pang paglala ng situwasyon sa South China Sea, at pag-akyat ng situwasyon patungo sa sagupaang militar, ay ang ninanais na “preset battlefield” ng Amerika.
Para sa Amerika, hindi problema ang pagsasakripisyo ng kapakanan ng isang kaalyado para lang makapagdulot ng pinsala sa kaaway, at ito ay isang tunay na kasuklam-suklam na gawain.
Kung magtutulungan ang Tsina at Pilipinas, makikinabang ang kapuwa panig; kung mag-aaway ang dalawang bansa, pareho silang mapipinsala.
Ang positibong halaga ng kooperasyong Sino-Pilipino ay lubhang mas importante kaysa sa kanilang kompetisyon, at napakalaki rin ng potensyal sa pagkakasundo kaysa sa alitan.
Sa pamamagitan ng katalinuhang pulitikal ng dalawang bansa, makokontrol at maayos na mahahawakan ang kaukulang isyu na magreresulta sa pag-iwas sa mga negatibong epekto sa pangkalahatang relasyon ng dalawang bansa.
May-akda: Lito
Pulido: Rhio / Jade
Kalihim Duque: Pabibilisin ang pagbabakuna sa mga tauhang medikal
Sugong Tsino: Sana'y ang mga bakuna ng Tsina ay makakatulong sa paglaban ng Pilipinas sa pandemiya
Dumating na! 1 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pilipinas mula sa Tsina
Op-Ed: Anumang isyu, maaaring pag-usapan ng tunay na kaibigan
Ikalawang pangkat ng bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Mga kaso ng COVID-19 variants, nadiskubre sa iba’t ibang parte ng Metro Manila